Thursday, January 19, 2012

EJ Falcon - Empress Schuck, Sila Na Ba?


Kahit itinanggi ni EJ Falcon na nanliligaw siya kay Empress Schuck sa isang interbyu ay marami pa rin ang hindi naniniwala sa binata dahil na rin sa nakikitang closeness ng dalawa. 


Ito ay kahit na natapos na ang kanilang teleseryeng " Guns and Roses" noon pang isang taon. Pero inamin ng grand winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na hinahangaan niya ang magandang kapareho.

Matatandaang inamin din ni EJ na ang talagang showbiz crush ay walang iba kundi ang pop proncess na si Sarah Geronimo. Tiyak na hindi nagustuhan ng mga fans ni EJ ang rebelasyong ito. 


Magkagayunman, tila hindi pa rin handa si Sarah sa anumang relasyon matapos maudlot ang kanilang relasyon ni Rayver Cruz na ngayon ay kasintahan ni Cristine Reyes.


Alalahaning nasanggot din si EJ Falcon sa isang iskandalo kung saan lumabas sa internet ang diumanong larawan niyang hindi kaaya-aya sa paningin ng mga bata. Narito ang larawang iyon.


Ano kaya ang mangyayari sa taong ito ng Water Dragon para sa nabanggit na mga artista? Abangan!

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...