Sunday, January 29, 2012

AnneBisyosa's No Other Concert, Dinumog Ng Mga Taga-BALIWag


Dinumog ng mga Baliw taga-BALIWag ang konsyerto ng super-ambisyosang si Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Sabado, Enero 28, 2012. Ayon s abali-balita, tiyak raw na nilangaw ang concert na ito kung hindi lamang sa mga sikat na artista at mang-aawit na nagtanghal. 


Kinabibilangan ito nina Sarah Geronimo, Luis Manzano, Derek Ramsay, Cristine Reyes at ang kasamahan ni Anne sa natigbak na Showtime na sina Vice Ganda, Ryan Bang, Jhong Hilario, Vhong Navarro at iba pa.


Nakipagsabayan sa pag-awit ang feeling karaoke queen kay Sarah Geronimo at hindi alintana kahit tunog-lata ang kanyang boses. Ang mahalaga ay natupad ang kanyang ambisyon na makaawit sa malawak na Big Dome. Sinasabing hindi dumalo ang ibang singers na inanyayahan dahil sinasalaula raw ni Anne ang larangan ng pag-awit. Hindi ko alam kung may katutohanan ito o chika lang.


At sa mga kontrabida, sinasabing hindi naman raw masama ang mag-ambisyon pero sana naman daw ay pinakinggan muna ni Anne ang kanyang boses sa tape bago lumarga. Sinasamantala raw nito ang kanyang kasikatan upang denggoyin ang kanyang mga tagahanga na baliw na rin sa kaprityo ng dalaga. Iba raw ang tama sa loob ng Coliseum habang kumakanta si Anne dahil talagang mababaliw ka sa inis lalo na kapag bumibirit. Tila raw pinupunit na yero ang boses ng AnneBisyosa. 'Yun na!

Pahabol: Sabi nga ni Iya Villana sa programang "Umagang Kay Ganda" kanina, January 30, 2012: " Ito ang tanging konsyerto na mas hirap ang mga backup singers!"

Related post



1 comment:

goodnews1948 said...

Happy New Year ^0^

It was good to see your blog ^___^

There is good news in my blog.

I hope you to visit my blog someday

http://goodnews1948.blogspot.com/

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...