Thursday, October 13, 2011

SM Pampanga Shooting Scandal Video


Dahil sa kaselanan ng issue at hindi magandang balita, hindi ko na sana isusulat pa ang tungkol sa insidenteng ito kung saan binaril at napatay ng 13 gulang na si Jake Emerson Perez (Joshua Delos Santos) ng Olongapo City ang kanyang sinasabing boyfriend na si Jonathan Salvador, 16, ng Baliuag, Bulacan noong ika -20 ng Setyembre 2011 sa SM Pampanga. Nagbaril din sa sarili at namatay si Jake. Nang lumutang ang isang amateur video sa Youtube nitong nakaraang mga araw, mas lalong naging kontrobersyal ang pamamaril. Napakita kasi na tila hindi kumikilos o hindi agad kumilos ang mga pulis at guwardiya upang isalba ang 2 buhay at ang mga ito ay  tinitingnan lang ang mga biktima

Sa iksi ng video, marami na agad ang naging reaksyon at ekspekulasyon. Hindi raw agad kumilos ang kapulisan. Sabi naman ng PNP, may protocol daw sila na 'wag galawin ang mga biktima ng ganitong uri ng krimen dahil sa kawalan ng pagsasanay. 

Mahirap magreaksyon kung wala ka talaga sa eksena. Pero sapat na ang pagkukulang at pagkakamaling ating nasaksihan upang sa gayon ay hindi na maulit pa ang pangyayari. Sana nga ay maghigpit na ang mga security personnel ng bawat establisyemento, magkaroon ng panahon ang mga magulang sa kanilang mga anak at magsanay ang kapulisan at mga security guards upang mapaghandaan ang mga ganitong insidente at sakuna. Kung matutupad ang mga ito, masasabing hindi rin nasayang ang buhay ng dalawang tinedyer.

Panoorin ang kontrobersyal na itong mula sa Youtube:

Related post



3 comments:

Zhurutang said...

. . . nasa protocol din nila na wag hayaan ang mga ususero na lumapit sa crime scene.

RAYLEIGH GOLD said...

parami na nang parami ang ganyang mga insidente....di ko malaman kung papaano at bakit....siyanga,,di natin dapat akusahan o sisihin man lang ang mga pulis pagkat meron nga naman tlgang silang sinusunod na rules,subalit may mga pagkakataon din namang unahain natin ang gma nanagngailangan kesa pagsunod sa kung ano man mang panuntunan,,,,tsaka ang ikli lang ng video,,,siguro ang kumuha nito pinaalis agad ng mga otoridad.....

jaygerzon21 said...

di dapat husgahan ng mga tao ang kanilang nakita sa video na ito pagkat ikli lang ng video nito. daming di pa siguro natin nakikita, wag nating sisihin ang mga pulis, alam nila ang ginagawa nila, sumusunod lng sila bawat panuntunan, di dapat madaliin,kawawa nga lang yong mga biktima di agad naagapan,

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...