Monday, October 10, 2011

Piolo at KC, Hiwalay Na?


Hiwalay na raw ang magkasintahang KC Concepcion at Piolo Pascual! Ito ang nabuong konklusyon ng mga taong tumutok sa relasyong ito matapos biglaang umalis patungong Paris ang anak ng Megastar noong isang araw kasama ang mga kaibigan maliban kay Piolo.

Kung ito man ay isang gimik upang muli silang mapag-usapan, hindi ito magandang imahe para kay KC. Sa balitang ito, ang masasabing natutuwa lamang ay ang mga intrigero at intrigera ng showbiz at yaong mga naniniwalang hindi magtatagal ang relasyong ito dahil na rin sa pagku-question sa tunay na pagkalalaki ni Papa P! May mga naniniwalang bisexual ang guwapo at de-kalidad na aktor. Si Piolo lamang ang makakasagot sa batikos na ito. Sa aking palagay, dapat siyang humarap sa camera ng television at sabihing " I am a man! Lalaki ako!" para matigil na ang ekspekulasyong ito. Ngayon, kung may biglang lalabas na lalaking magsasabing naka-relasyon niya ang batikang aktor, ibang usapan na 'yon.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...