Sunday, August 21, 2011

Paris Hilton Visits the Philippines


Naging popular at matagumpay ang pagbisita sa Pilipinas ni Paris Hilton, anak na babae ng may-ari ng Hilton hotels. Dumating si Paris noong isang Linggo, ika-13 ng Agosto, 2011, upang pasinayaan ang kanyang  itinayong negosyo sa SM - Pasig City na "Paris Hilton Bags & Accessories." Tulad ng dati, inabangan ng mga Filipino ang pagdating na ito ng sosyalista. Sa kanyang pagbisita, nagkita at naghapunan si Paris kasama si Manny Pacquiao at ang maybahay nito na si Jinkee. Tulad din ng dati, hindi nawawala si Governor Chavit Singson sa mga eksenang ito.

Tulad ng mga sikat at pamosong tao na nagbukas ng kanilang mga negosyo, hindi ko maiwasang isipin na sinasamantala lamang nila ang kanilang kasikatan upang pumatok ang kanilang mga produkto. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ito ay isang panloloko sa mga tao dahil na rin sa katotohanang hindi naman gawa o disenyo ng mga nabanggit ang kanilang mga inilalako sa publiko, at kung ito ay kanilang ginagamit man lang.

Naibalita rin na excited si Paris na makasama sa isang music recording ang pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny. Kapag nangyari ito, hindi ko alam kung makikinig pa ako ng musika.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...