Sunday, July 10, 2011

Vicki Belo - Hayden Kho Wedding


Nagbabalak nang magpakasal ang kontrobersyal na magsing-irog na sina Dra. Vicki Belo  at Dr. Hayden Kho. Matatandaang ikinataas ng mga kilay ang una nilang relasyon dahil sa agwat ng kanilang idad. Nagkahiwalay nang kumalat ang porn video nina Katrina Halili at Hayden Kho.

Sa Amerika nag-propose ang binata kung saan ginanap ang pagpapasinaya ng kaunaunahang clinic ng sikat na doktora. Hindi pa binabanggit ng lovebirds kung kailan sila magpapakasal. Sa ngayon ay hindi pa kumbinsido ang mga anak ni Vicki. At upang maalis ang haka-hakang pera lang ng doktora ang puntirya ng xvideo king, nagpagawa pa ng pre-nuptial agreement ang binatang nakabit sa kung sinu-sinong sexy actresses.

Hindi ako nanunuri ng tao pero sa aking obserbasyon, ang kasalang ito ay hindi magtatagal. Masasabing madaling umibig subali't napakahirap ang imintini ito lalo pa't maraming tutol sa relasyon. Kung hindi sana nasabit sa kung anu-anong kontrobersya at kung sinu-sinong babae si Hayden, masasabing genuine nga ang pag-ibig na nadarama niya kay Vicki. At kay Vicki, hindi kaya awa lang ang nadarama niya sa binata at pangangailangang-pisikal lang? Paano na kung matunaw ang mga botox sa katawan ni Ms Belo? Mamahalin pa kaya siya ni Hayden?

At dito sa pre-nuptial agreement, kahit na hindi sila maghahati sa kayamanan kung sakaling magkahiwalay sila, sa palagay ko naman ay mas higit ang magagastos ni Vicki sa kanilang relasyon. At sana nga, magtagal ang kanilang relasyon. Pero itong si Ka Ambo, panay ang iling at buga ng nganga sa lupa!

Siyanga pala, nalaman ba kung sino ang nag-upload ng sex video nina Katrina at Hayden? Kung hindi, kahina naman ng mga imbistigador!

Related post



4 comments:

WP said...

Naaliw ako sa larawan nila na nag se-share sa ice cream, ang sweeet!!!

Wala akong karapatan na humusga sa kanilang pag iibigan, wish ko lang ay wag sanang matanggal ang ilong ni Ms. Belo sa kanilang pulot-gata lalo pa't may kakaibang istilo itong si Hayden sa pakikipagniig ahihihi.

Diego said...

Sige mi blog porfa

hacyer said...

hi there!

I started earning when I signed up last week. Want to know how? just click on the link below! this is no spam or whatsoever.

http://www.dataentryjobs.us/34447.html

BERKAH SEHAT said...

hi ...nice blog keep writing

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...