Sunday, June 12, 2011

KC Concepcion at Sam Milby sa Forever And A Day


Habang binabalatan ko ang nilagang itlog na nilagay ko sa steamer tray habang nagluluto ako ng sinaing, naririnig ko sa di-kalayuan ang sound ng TV. Kasalukuyang ininterview si KC  Concepcion at Sam Milby sa The Buzz (replay) hinggil sa kanilang ginawang pelikula na may pamagat na Forever And A Day na dinirehe ng pamosong direkotr na si Cathy Garcia-Molina. Nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito sa Miyerkules, ika-15 ng Hunyo, 2011 sa Pilipinas. Hihintayin ko na lang itong ma-upload dito sa internet kahit na may nagtatayuang anino sa harapan. Wala naman kasing ihuhusay sa pagganap dito si KC at ang bulol managalog na si Sam. Magiging magaling siguro si Sam sa pagganap kung maitutuwid nito nang husto ang pagsasalita ng Filipino. Hindi kasi maka-relate masyado ang mga Pinoy sa kanya. At alam kong dahil lang sa kanyang hitsura kaya siya hinahangaan ng iba. At kay KC naman, kailangan pa niyang mahasa nang husto sa pag-arte. At dahil sa estado ng kanyang buhay, hindi pa rin maramdaman ng masa ang kanyang pagganap.

Iniintriga ni Toni Gonzaga si Sam na kung liligawan ba raw nito si KC kung sakaling hindi pa nito boyfriend si Piolo Pascual. Noong 2008, sinabi kasi ni Sam na liligawan nito ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Walang tuwirang maisagot si Sam at halatang umiiwas sa tanong.

Sabay entra naman nitong si Tata Ambo at sinabing mas bagay sina Sam Milby at Piolo Pascual. 'Yun na!

Related post



4 comments:

Nikki said...

Hey..your blog is very amazing, I love to visit everyday..
Don't forget to visit my blog too DigitalCamerasReview.us
Thank you :)

Anonymous said...

hindi ko nagustuhan ang pagkaka-sulat nitong entry na to. masyado mapangahas ang pananalita mo. ikaw na, ikaw na magaling at mapanuring manonood. balanse lang ako at neutral sa pagkokomento subalit, hindi makatarungan para sa akin ang paghatol mo sa mga nabanggit na artista kahit na komedya ang istilo mo. nirerespeto ko ang iyong opinyon, at sa pagsusulat mo sana'y maging responsable ka din. :)

Detektib Gapo said...

@ anonymous (kung sino ka man), hindi ako nagsusulat ng blog para magustuhan ng sinuman. nagsusulat ako ng opinyon, nakikita, nadarama, nababasa, atbp. ayon sa aking kagustuhan.

J Bush said...

how do you get so many followers! Could you suggest my blog

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...