Friday, March 18, 2011

Unang Anibersaryo ni Bukas-Tindahan Gang

Whew! Ambilis talaga ng panahon. Hindi ko namalayang first year anniversary na pala magmula nang looban ekwatan pagnakawan 'yong maliit kong tindahan dito sa Saudi, kung saan nalimas 'yong SR3,000+ na pinagbentahan at puhunan namin ng aking pamangkin. Hindi biru-birong pawis ang naubos sa amin bago makuha ang salaping iyon pagkatapos sa isang iglap nawala agad!


Sabi ng mga kakilala ko, patawarin ko na raw 'yong magnanakaw at maibabalik din sa akin ang perang iyon. Napatawad ko na naman ang mokong na iyon kaya lang hindi ko malimutan ang ginawa n'ya (kaya nga may anniversary pa eh!). Ang siste, hindi naman humihingi ng tawad ang mandurugas. Patay-malisya pa rin. At ang perang maibabalik daw, hanggang ngayon hindi ko pa nababawi.

Masama raw ang magbintang. Aminado ako roon. Pero ano naman ang iisipin mo na ang taong pinaghihinalaan mo ay bigla na lang tumigil sa pangungutang pagtangkilik sa negosyo mo? Ni hindi ka na kinikibo at parang walang alam sa nangyari? Ni hindi man lang nagtanong kung tutuo bang napagnakawan kami?

"Makakarma rin 'yon!", sabi ng isang kakilala. Ayokong ipanalangin 'yon. Kung anuman ang mangyari sa kanya, wala na ako roon.

Nakapag-move on na ako. Sinimulan ko na uli ang pagtitinda para maragdagan ang kinikita ko rito. Kahit may ilang nag-boycott sa pamimili, hindi ko na lang pinapansin. Bahala sila sa iniisip nila. Alam kong babalik din sila para mangutang mamili. At the end, alam naman nila kung sino sa amin ang may iniisip na masama sa kapwa.

At sa iyo kabayan, happy anniversary!

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...