Saturday, March 19, 2011

UN Nag-utos na Bombahin ang Libya

Nagkasundo ang kinatawan ng United Nations Security Council noong ika-17 ng Marso,2011 na bombahin ang puwersa ni Moammar Qaddafi matapos nitong balewalain ang babalang huwag targetin ang mga civilian at mga rallyista sa Benghazi, Libya. Sa botong 10 - yes, 0-no at 5- abstain, may kapangyarihan ang UN na gamitin ang "anumang paraan" upang mapangalagaan ang mga sibilyang apektado ng kaguluhan. Isa na rito ang paggamit ng puwersang-lakas laban sa diktador. Operation Odyssey Dawn  ang itinawag sa operasyong gagawin sa Libya.

Sana ay hindi ito isang pagganti ng US sa pamahalaan ni Qaddafi na inakusahang may pananagutan sa pagbomba sa Pan Am Flight 103 noong ika-21 ng Disyembre, 1988 kung saan 270 katao ang namatay na pasahero kabilang na ang mga taong namatay sa Lockerbie, Scotland kung saan bumagsak ang malaking bahagi ng eroplano. Hindi sana ito gawin ng mga kaalyado ng US na pabagsakin ang isang lider na ayaw nila, tulad nang ginawa nila sa Iraq.Bagkus ay gawing paraan upang pamanatili ang kapayapaan sa Libya.

Dahil dito, muling nabahala ang maraming OFW na naiipit sa Libya. Marami sa kanila ang nais nang umuwi matapos magpaiwan noon. Ipinaabot naman ng pamahalaang Pilipinas ang malaking halagang nagastos sa paglikas ng mga Pinoy na umabot na sa kalahating bilyong piso.

Ang desisyon ng UN ay tiyak na makakaapekto sa presyo ng langis dahil ang Libya ay isa sa mga bansang nagbibili ng mas malaking poryento ng  krudo sa pandaigdigang merkado. Ito ay dagdag hirap na naman sa mga ordinaryong Filipino.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...