Saturday, March 26, 2011

Sen. Panfilo Lacson, Lumitaw Na!


Lumitaw na ang nagtatagong mambabatas na si Senator Panfilo Lacson matapos tuluyang alisin ng Court of Appeal (CA) ang kanyang warrant of arrest hinggil sa Dacer-Corbito double murder case. Ito ay isinagawa ng CA matapos nitong balewalain ang inihaing kaso ng mga Dacer nang sabihing hindi kapanipaniwalang testigo si Police Officer Cezar Mancao. Ganito rin ang naging argumento nang mapawalang-sala sina Hubert Webb hinggil sa Vizconde massacre matapos sabihin ng Korte Suprema na hindi credible na witness si Jessica Alfaro.

Dumating si Senator Lacson sa bansa ngayong 6:30 ng gabi. Nakatakda siyang magbigay ng press conference sa Lunes.

Ang tanong: Babayaran kaya ng Senado ang mga araw nang siya ay nagtatago?

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...