Thursday, March 17, 2011

SC Releases 2010 Philippine Bar Results

Inilabas ng Supreme Court sa pamamagitan ng chairperson nito na si Associate Juctice Conchita Carpio ang listahan ng 982 bagong abugado mula sa 4,847 na kumuha ng pagsusulit noong 2010. Ito ay ginanap ngayong araw na ito, ika-17 ng Marso, 2011 sa ganap na ika- 5 ng hapon. Bale 20.26% lang ang mga pumasa. Ang pag-anunsyo ng resulta ng pagsusulit sa bar na ito ang sinasabing pinakamadaling nailabas. Hindi inaasahan ng ilang kataong nagtipon sa harap ng Supreme Court ang anunsyong ito. Yaong may gradong 72.5% ang siya lamang na pumasa sa pagsusulit. Ito na raw ang huling pagsusulit na gagamit ng maraming essay type test. Ngayong taon, gagamit na rin ng mga multiple choice.

Ang mga nangunang 10 ay kinabibilangan nina:

1. Cesareo Antonio S. Singzon, Jr. (Ateneo de Manila University)-- 89%
2. Filemon Ray L. Javier (Ateneo de Manila University)-- 86.95%
3. Paolo Carlo C. Tolentino (Arellano University)-- 86.80%
4. Janette R. Ancog (Ateneo de Davao University)-- 85.90%
5. Johana T. Sunga (Ateneo de Manila University)-- 85.85%
6. Krizelle Marie F. Poblacion (University of the Philippines)-- 85.65%
7. Maria Christina C. Ortua (University of the Philippines)-- 85.05%
Krystal Lyn T. Uy (University of the Philippines)-- 85.05%
8. Joanna Eileen M. Capones (University of the Philippines)-- 84.80%
9. William Benson S. Gan (Ateneo de Manila University)-- 84.75%
10. Glenn C. Carampatana (University of San Carlos)-- 84.55%
Darren l. Salipsip (Arellano University)-- 84.55%

Para sa kumpletong listahan ng mga bagong abugado, tunghayan DITO..

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...