Tuesday, March 15, 2011

Phil AZKALS, Nagtae sa Mongolian's BLUE WOLVES

Nagtae ang mga Azkals ng Pilipinas laban sa Blue Wolves ng Mongolia sa kanilang pangalawang laban sa nagyeyelong Ulan Bator, Mongolia kahapon, ika-15 ng Marso, 2011. Naunang nakaiskor ang Azkals subali't hiningal sila at nagwagi ang mga Mongolians 2-1. Ganoon pa man, abante pa rin ang pambansang koponan ng Pilipinas sa football sa qualifying round ng kanilang grupo sa Asian Football Confederation Challenge Cup na gaganapin sa Myanmar (Burma) sa ika-21 ng Marso, 2011 dahil lamang sila ng puntos sa dalawa nilang laban ng Mongolia. Nauna rito, nanalo ang mga Azkals sa iskor na 2-0 sa Bacolod City noong Pebrero.

Makakalaban sa qualifying round ng Pilipinas ang mga koponan na galing sa mga bansang Myanmar, Bangladesh at Palestine. Ang dalawang bansang mangunguna ang papasok sa pangunahing torneo sa  2012.

Phil Younghusband
Karamihan sa Azkals ay mga Filipinong may dugong dayuhan. Ito ay normal lang dahil sa Pilipinas ay hindi gasinong popular ang isport na ito at dahil na rin ng kawalan ng lugar para ito ay laruin. Ilan sa mga kasapi ng Azkals ang magkapatid na James at Phil Younghusband, Rob Gier, Neil Etheridge, Simon Greatwich, James Hall at Jason de Jong. Dahil hindi pa ako tagahanga ng mga manlalarong ito, hindi ko pa kilala ang iba pang kasama sa koponan. Sa Pilipinas, dumarami ang fans nila dahil na rin siguro na karamihan sa mga manlalaro ay pawang magagandang lalaki.
James Younghusband   

Neil Etheridge
Rob Gier
James Hall

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...