Friday, March 25, 2011

MULA SA PUSO, Another ABS-CBN Remake


Ipinagmamalaking ibalita ng ABS-CBN ang kanilang bagong remake na ipapalabas na sa Lunes, March 28, 2011. Ito ay ang teleseryeng "Mula Sa Puso" na pinagbidahan noon nina Claudine Baretto, Diether Ocampo at ang namayapang si Rico Yan. Ngayon, ang bagong lumang programa ay pagbibidahan nina Lauren Young (sino siya?), JM De Guzman (lumabas sa Kristine)  at si Enrique Gil ( galing sa pamilya Gil, I guess).

Isa na naman itong palabas na ikaiinis ko sa TFC dahil naragdagan na naman ang mga programang kinopya at muling ipinalabas. Okay sana kung hindi pa ako ipinanganganak noong ipalabas ang teleseryeng ito. Pero talagang nakakauta na ang mga palabas ng ABS-CBN. Baka sa susunod ay hindi na namin i-renew ang aming TFC kasi puro luma naman ang palabas. Baka mag-GMA na kami, kahit mahal sa una ang installation charges.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...