Friday, March 4, 2011

Happy, Yipee, Yehey! - Nakakauta


Dahil Biyernes at walang pasok sa trabaho dito sa Saudi Arabia, napanood ko nang hindi sinasadya ang "Happy, Yipee, Yehey" ng Dos via TFC. Tulad ng dapat asahan sa mga noontime shows, merong kantahan, sayawan at mga pakontes ang nasabing programa.

Ewan ko ba, pero madali akong nagsawa sa game/variety show na ito. Kasi naman, walang bago. Isa pa, wala talaga akong kompyansa sa ilan sa mga hosts tulad ng bagong kasal na si John Estrada. Parang trying hard siya. Hindi nakabibilib.

At doon sa isang portion kung saan may gagawing isang kasanayan ang isang contestant upang manalo ng P100,000.00, naisip kong hango ito sa syndicated program na "Minute To Win It" na napanood ko ang Australian version.

Tulad nang nabanggit ko na, nahihirapang sabihin ng mga sumasali ang titulo ng "Happy, Yipee, Yehey". Nagkakandabulol sila.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...