Friday, March 11, 2011

DED na si Sabel


Ded na si Sabel sa teleserye ng ABS CBN na ginampanan ni Jessy Mendiola. Napanood ko kahapon ang ending ng nasabing programa at tulad nang dati, tila minadali na naman ang ginawang ending nito. Hindi naging kapanipaniwala sa akin ang biglang paghingi ng tawad ni Margaret sa pamilya ni Sabel. Mas okay pa sana kung tuluyan na siyang nabaliw o magkasama silang namatay ni Anton. Mas believable pa.

Tulad din ng karamihan sa mga wakas ng mga istorya sa komiks, tv at sine, naroon pa rin ang linyang "Crime Does Not Pay." Pero sa tutuong buhay, hindi naman laging ganoon ang nangyayari. Ang mga maysala ay nakalalaya at hindi nakukulong. Nabubuhay pa sila nang matagal at nauulit ang ginawang krimen. Minsan nga, ginagawa pa nating bayani.

Napansin ni Tita Lani ang makapal na labi ng bidang si AJ Perez. Sarap daw kahalikan. Ewan!

Minadali ang ending ng Sabel dahil kailangan na nilang isalang ang isa pang kopyang teleseryeng "Nasaan Si Elisa?" Tulad ng Nasaan, ang Sabel ay remake din ng launching movie ni Snooky Serna sa Regal Films na may pamagat na "Bata Pa Si Sabel". Remake din ang  "Mutya" samantalang ang central theme ng "Imortal" nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ay halaw sa "Twilight". Gaya rin ang "Green Rose" nina Jericho Rosales at Anne Curtis. So, wala ng original na kuwentong mapapanood sa ABS CBN via TFC.

Ang tanong ko lang, sino kayang bata ang maglalabas ng video sa Youtube kung saan bubunghalit siya ng iyak? Kung wala, balak ko sanang maglabas ng video kung saan sabu-sabunot ko ang buhok ko sa ilong sa inis!

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...