Saturday, March 5, 2011

"Baby Gaga" Breastmilk Ice Cream


Isang ice cream parlour sa Covent Garden, London ang nagbebenta ng pambihirang ice cream na gawa sa gatas ng ina. Ang mga gatas ng ina ay binibili sa mga nagpapasusong ina. Ang ice cream ay pinangalanang "Baby Gaga" na may layuning ipabatid sa lahat ang sarap ng gatas-ina at hinihikayat na dumami pa ang nagpapasuso. Ang nakukuhang gatas ay pina-pasteurized at sinasangkapan ng kinayod na balat ng lemon at vanilla. Ang pangalan ng parlour ay Icecreamists  at  £14 ang isang  scoop.


Ayon sa balita, ayaw ni Lady Gaga na ikinakabit ang kanyang pangalan sa isang produktong ayaw niya. Balita pa nga ay baka idemanda niya ang may-ari ng Icecreamists.


Sa aking palagay, hindi magiging-klik ang ice cream na ito dahil questionable pa rin ang pinanggalingan ng mga gatas kahit na sinasabing  sinusuri at  ligtas itong kinukuha. 

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...