Sunday, February 13, 2011

Piolo Pascual - KC Concepcion's Romance


Dahil Valentine's Day ngayon, usap-usapan din ang romansang Piolo Pascual at KC Concepcion. Sinagot daw ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang binatang ama noong ika-23 ng Oktobre, 2010.

Ang ikinatataas ng mga kilay ng mga taong tsismoso't tsismosa ay kung gimik lang daw ba ito o totoo na. Maraming beses na kasing "ipinalalagay" na hindi "tunay na lalaki" si Piolo Pascual kahit na nga may anak na itong binatilyo.

Well, sa mga susunod na mga araw na nating malalaman ang kasagutan sa alingawngaw na ito. Sa ngayon, hayaan muna nating maging masaya ang "magsing-irog" sa Araw na ito ng mga Puso.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...