Tuesday, February 16, 2010

MELAI, PBB 3 DOUBLE UP WINNER






Natapos na rin noong February 13, 2010 and Pinoy Big Brother 3 Double Up. Ang huling palabas ay ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Pasay City kung saan tinanghal na Big Winner si Melissa "Melai" Cantiveros. Pumangalawa si Paul Jake Castillo, pangatlo si Jason Francisco(syota ni Melai), pang-apat si Johan Santos at panglima si Steve "Tibo" Jumalon.

At tulad ng ibang kontes, naroon pa rin ang kontrobersya sa pagkapanalo ni Melai. "NILUTO" raw ang pagkapanalo ng Inday Kenkay ng GENSAN dahil bago ang huling bilangan ay malaki ang lamang ng text vote ni Paul Jake. Pinabulaanan naman ng ABS-CBN ang paratang na ito.

Hintayin na lang natin kung sino sa mga nagwagi ang magwawagayway sa larangan ng showbis!

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...