Friday, April 3, 2009

BINGO NA!



Bingo ang isang sa mga libangang kinahihiligan ng ating mga kababayan. Merong bingo pang-masa na makikitang nilalaro sa tabi-tabi o sa mga peryahan. At merong bingong pangmayaman o yong mga may-kaya sa buhay. Ito ay nilalaro sa loob ng mall o sa isang "bingo social."

Pero ang lahat ay makapaglalaro kung manonood ng bingo sa TV. Ito ay sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Pinoy Bingo Night (PBN) ni Kris Aquino. Taliwas sa ordinaryong bingo, ang PBN ay kapapalooban ng 2 celebrity player laban sa 200 bingoers. Ang mga audience ay kailangang makabuo ng pahalang, pababa o isang diagonal na bingo upang manalo ng P 50,000.00. Kung mauuna naman ang celebrity/ artistang kalaban sa natuka niyang paraan ng pagkapanalo ( huhulaaan kung pula o itim ang lalabas ng bolilyo o kaya ay odd at even, etc.), siya ay mananalo ng isang milyong piso. Unang millionaire winner si Vhong Navarro.

Napanood ko ang episode nina Luis Manzano at Kim Chiu pero pareho silang natalo. Kaya mga kababayan ko... BINGO NA!

To join the game, you may register at http://pbn.abs-cbn.com/ or thru SMS. Simply key in PBN Last Name,First Name/Age/Gender/Address and send to 2366.

Related post



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...